Kasunod ng inagurasyon ni Pangulong Bongbong Marcos nitong Huwebes, Hunyo 30 ay isang makahulugang mensahe ang ibinahagi ng batikang aktres na si Agot Isidro para sa bansa.

Sa kaniyang Instagram post, muling naglabas ng saloobin ang aktres na tila kaugnay pa rin sa naging resulta ng nakaraang halalan noong Mayo kung saan tinalo ni Marcos ang sinuportahang kandidato ni Agot na si dating Vice President Leni Robredo.

“You know that I will always care for you. And love you. And fight for you,” panimulang mababasa sa Instagram post ng aktres.

“But… you have to figure out what is good for you. So for now, I will care, love and fight for me and my loved ones first. I will quietly do the work for causes I believe in,” dagdag niya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Umaasa rin ang veteran actress na matututo ang Pilipinas sa mga pasyang ginawa nito.

Noong Hunyo 29, huling araw ni Robredo sa kaniyang tanggapan, pinasalamatan at binigyang-pugay ng aktres ang anim na taong serbisyo nito sa bansa.

Nauna nang nagpahayag ng buong suporta si Agot para sa Angat Buhay NGO na pormal nang inilunsad bilang Angat Pinas Incorporated ngayong Biyernes, Hulyo 1.

Basahin: Agot Isidro, buo ang suporta sa Angat Buhay NGO ni outgoing VP Leni Robredo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Namataan ang aktres sa unang araw ng Art Festival ng Angat Pinas na layong maging pinakamalaking volunteer network sa kasaysayan ng bansa.