Niyanig ng magnitude-6.0 na lindol ang Cagayan nitong Biyernes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs, dakong 2:40 ng madaling araw nang maganap ang pagyanig sa layong 27 kilometro ng timog silangan ng Dalupiri Island sa Calayan.
Lumikha rin ito ng lalim na 27 kilometro. Babala ng Phivolcs, asahan na ang aftershocks nito sa mga susunod na oras.
Naitala rin ang Intensity V sa Aparri at Calayan sa Cagayan, at sa Flora sa Apayao.
Naramdaman din ang Intensity IV sa Peñablanca at Tuguegarao City sa Cagayan at Intensity III naman sa Vigan City at Sinait sa Ilocos Sur.