Arestado sa isinagawang follow-up operation ng mga miyembro ng Investigation and Detective and Management Unit (IDMU) ng Parañaque City Police nitong Biyernes, Hulyo 1. ang isang Chinese national, na umano'y dumukot sa kanyang kapwa kababayan at humingi ng P1,050,000 para sa pagpapalaya ng biktima.

Kinilala ni Col. Maximo Sebastian, hepe ng pulisya ng lungsod, ang suspek na si Liu Jinkai, 29.

Sinabi ni Sebastian na ang suspek ay nasakote sa Macapagal Avenue sa Pasay City at ngayon ay nakakulong sa Parañaque City Police custodial facility. Kinasuhan siya ng kidnapping at robbery-extortion.

Sinabi ng hepe ng pulisya ng lungsod na isang Fe Melana, 25, ang nagpakita sa IDMU at nag-ulat na nakatanggap siya ng tawag sa telepono noong Miyerkules (Hunyo 28) mula sa kanyang live-in partner, ang biktimang si Ji Ming, na humihingi ng tulong sa kanya habang siya ay kinidnap sa isang casino.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ni Melena sa pulisya na ipinaalam sa kanya ni Ji Ming na humihingi ng P1,050,000 ang mga suspek para sa kanyang paglaya.

Sinabi niya na inutusan siya ng mga suspek na makipagkita sa kanila sa Bonifacio Global City, ngunit kalaunan ay sinabihan siyang pumunta sa casino at dalhin ang ransom money.

Sinabi ng live-in partner na muling pinalitan ng mga suspek ang kanilang tagpuan sa Dampa restaurant sa Macapagal Avenue, kung saan kalaunan ay inaresto ng pulisya si Liu Jinkai.

Jean Fernando