Sa pagtatapos ng Pride Month, pinuri ng Commission on Human Rights (CHR) ang ilan pang lokal na pamahalaan sa bansa na naglatag ng mga hakbang na layong isulong ang karapatan ng LGBTQIA+ community.

Kabilang sa nabanggit sa isang pahayag ng komisyon nitong Huwebes, Hunyo 30, ang bayan ng Carigara sa Leyte at ang lungsod ng Roxas sa probinsiya ng Capiz.

“In Carigara, Leyte, the local government has issued a resolution promoting equal rights and condemning discrimination against the LGBTQI community. The LGU also organized a concert in celebration of the Pride Month, which they intend to make an annual tradition. Once session re-opens, they committed to craft an anti-discrimination ordinance,” pagmamalaki ni Executive Director, Atty. Jacqueline Ann de Guia ng komisyon sa hakbang ng nasabing bayan.

Dagdag na ipinunto ng pahayag ang pagkakapasa ng isang lokal na ordinansa sa Roxas City sa lalawigan ng Capiz na layong i-promote ang karapatan at pangangalaga sa mga LGBTQIA+ community gayundin ang pagtatatag nito ng isang Pride Council na tutugon sa mga biktima ng diskriminasyon at stigma sa komunidad.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“CHR commends these local efforts that demonstrate concrete support and genuine acceptance for the LGBTQI community. During the pandemic, Manila, Bataan Province, Albay, Malolos City, and Pasig City also passed their version of anti-discrimination ordinances. We are hopeful of the increasing local support and look forward to more LGUs implementing their own equality and anti-discrimination measures,” dagdag na saad ni De Guia.

Dahil sa mga development na ito sa iba't ibang bahagi ng bansa, umaasa ang komisyon na magiging daan ito para sa pagkakapasa ng Kongreso sa Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality Bill.

Pagpupunto ng komisyon, hangad din ng panukalang batas ang pagsiguro sa isang ligtas na espasyo hindi lang para sa LGBTQIA+ kundi para sa lahat.

“The said bill is crucial in ensuring full recognition of equal rights and in increasing acceptance of persons of diverse SOGIE. This will not only advance the rights of LGBTQI members but will enable the creation of a safe and empowering environment conducive for all,” pagtatapos na sabi ni De Guia.