Wala pa ring panalo ang Terrafirma Dyip matapos tambakan ng 28 puntos ng TNT, 114-86, sa kanilang ikaanim na laro sa PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum nitong Biyernes, Hulyo 1.

Nakapagtala ng season-high na 31 puntos si Mikey Williams, pitong rebounds at limang assists na tinulungan ni Poy Erram na kumana ng 18 puntos, siyam na rebounds, dalawang blocks at isang steal.

Hawak na ng Tropang Giga ang 7-2 panalo-talo kaya pasok na ito sa quarterfinals. Ito na ang ika-16 na sunod na All-Filipino Conference ng TNT.

Pansamantalang nakuha ng Dyip ang abante 50-49 sa pagsisimula ng ikatlong bugso ng laban. Gayunman, hindi na nakayang mapanatili ito nang magsanib-lakas sina Williams at Erram at nahablot ang abante, 76-58 sa nasabing yugto.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Hindi na nabawi ng Dyip ang abante hanggang sa tambakan sila ng 33 puntos ng Tropang Giga sa huling bahagi ng laro.  

Umabot sa 28 puntos ang abante ng TNT matapos tumunog ang final buzzer.

Nakaipon naman ng 25 puntos si Josh Munzon na hindi naging sapat upang maiahon ang kanyang koponan sa pagkapanalo.

Bukod kina William at Erram, humakot din ng 15 puntos si Roger Pogoy, dagdag ang 11 puntos ni Jayjay Alejandro, at 10 puntos ni Jaydee Tungcab.