BAGUIO CITY - Patay ang isang batang lalaki matapos tamaan ng dengue sa lungsod kamakailan.

Sa panayam, sinabi ni city health officer Dr. Rowena Galpo na isang 10 taong gulang ang binawian ng buhay sa sakit at ito ay taga-Barangay City Camp Central.

Paglilinaw ni Galpo, ito pa lang ang unang naitalang namatay sa dengue ngayong taon.

Nilagnat aniya ang bata noong Hunyo 16 at isinugod sa ospital hanggang sa namatay noong Hunyo 27.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Snabi ni Galpo, mataas ang naitalang porsyento nito ngayong taon na mayroong 611 kaso hanggang noong Hunyo 27. Nakapagtala ng 282 kaso ang lungsod sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Kaugnay nito, nanawagan muli ang city government sa mga residente na puksain ang mga pinamumugaran ng lamok upang hindi na tumaas pa ang kaso nito.