Dahil marami umano ang naghahanap o tumutuligsa sa ₱10,000 ayuda, sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano na maghahain siya ng panukalang batas na naglalayong mabigyan ng ₱10,000 ayuda ang mga pamilyang Pilipino. 

Sinabi ni Cayetano sa oath-taking ceremony ng mga local official ng Taguig City, na isa lamang legislative proposal ang nasabing ayuda. Aniya, nangangailangan pa rin ito ng suporta ng Malacañang at ng Kongreso.

“Sa mga nangba-bash sa ₱10K ayuda, kung kaya ko lang silang bigyan ng tag-10,000, binigay ko na sa kanila. Pero sa katotohanan ito’y isang legislative proposal,” ani Cayetano.

“So ang hinihingi ko po doon sa mga tumutuligsa sa programang Sampung Libong (Pag-asa) during the pandemic, tumulong na lang kayo,” dagdag pa niya. 

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Kamakailan, naging usap-usapan ang isang video ng isang lalaking pabirong naningil kay Cayetano ng₱10,000 ayuda, na ipinangako nito noon sa mga pamilyang Pilipino noong panahon ng kampanya.

“Uy si ano, si ano (Cayetano)… Sir, ₱10K ko, Sir… Sir, ₱10K,” anang video uploader. Hindi siya pinatulan ng senador at dumiretso lamang sa kaniyang paglalakad. Hindi na rin siya sinundan ng video uploader dahil may mga bodyguard ito.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/06/25/cayetano-naispatan-sa-isang-mall-hiniritan-sa-ipinangakong-%e2%82%b110k-na-ayuda/