Bitbit umano ni Senadora Imee Marcos ang kaniyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. sa dinaluhang inagurasyon ng kapatid na si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.---sa pamamagitan ng kaniyang dinisenyong gown na suot niya sa naturang makasaysayang okasyon.

Ayon sa opisyal na Instagram page ng senadora, siya mismo ang nagdisensyo ng kaniyang gown, na binigyang-buhay naman ni Rem Divino.

"Designed by Senator Imee R. Marcos herself, this sustainable opulent Filipiniana gown made by Rem Divino has restored lockets, chains and pendants as embellishments, these were all gifts from her father—former President Ferdinand Marcos Sr," ayon sa caption.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Pinuri naman si Imee ng direktor ng VinCentiment na si Darryl Yap.

"A Muse with a Museum in her sleeves standing-out while sitting in the National Museum," ani Yap sa kaniyang Facebook post.

"Poetic and Sentimental."

Ibinahagi rin ni Yap ang naging pag-uusap nila ng senadora. Ang one sleeve umano na may dibuho ng museo ay simbolo ng yumaong pangulo na kanilang ama.

"Nandyan ka na Mam? Sino’ng kasama mo?" tanong umano ni Yap sa senadora habang kausap ito sa phone call.

"I’m bringing my Dad, He’s with me. He’s in my arms…" ani Senadora Imee.

"NAGPAPAIYAK SA TANGHALI!"

"We love you sen! I’m sure happy siya…" komento ng direktor.