Pormal nang nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas si Pang. Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. nitong Huwebes ng tanghali sa isang tradisyunal na seremonya na idinaos sa National Museum of the Philippines.

Makasaysayan ang naturang okasyon dahil ito ang muling pagbabalik ng mga Marcos sa Malacanang matapos ang may 36 na taon.

Si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang nangasiwa sa panunumpa sa tungkulin ng 64-taong gulang na si Marcos.

Ang oath taking ay sinaksihan ng maybahay ni Marcos na si Atty. Liza Araneta-Marcos, na nakatayo sa likuran ng bagong pangulo habang siya ay nanunumpa, gayundin ng kanyang mga anak na sina Sandro, Simon, at Vincent.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Dumalo rin ang kanyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos, at mga kapatid na sina Sen. Imee Marcos at Irene Marcos.

Sumaksi rin si Vice President Sara Duterte-Carpio, gayundin ang mga dating pangulo ng Pilipinas na sina Joseph "Erap" Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo, at iba pang mga kaalyadong politiko.

Kabilang naman sa mga foreign dignitaries na dumalo sa oath-taking sina US Second Gentleman Douglas Emhoff, Thai Deputy Prime Minister Don Pramudwinai, Vietnamese Vice President Vo Thi Anh Xuan, Chinese Vice President Wang Qishan, at Australian Governor General David Hurley.

Matatandaang si Marcos ay nagwagi sa katatapos na May 9, 2022 presidential elections matapos na makakuha ng mahigit 31 milyong boto.