Isang araw bago tuluyang matapos ang Hunyo ay muling nagbigay ng update sa kaniyang kalagayan si Queen of All Media Kris Aquino, na ngayon ay nagpapagamot sa kaniyang mga iniindang sakit, sa Texas, USA.

"For now, 12 noon, June 29, 2022 where we are-this is what i felt you needed to know, straight from me para alam ng lahat ito ang to totoo," ayon sa kaniyang caption.

"This isn't a permanent goodbye, ibalato nyo na lang hanggang malagpasan namin itong matinding pagsubok. Thank you for all your prayers- i am forever #grateful."

"Promise, pag may good news ako, after thanking God & telling my sisters & my trusted friends- you’ll see a post from me. In God’s perfect timing," pahayag pa niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

May open letter naman na ginawa si Kris para sa kaniyang yumaong kuya na si dating Pangulong Noynoy Aquino, na kamakailan lamang ay ginunita ang unang anibersaryo ng petsa ng kamatayan (Hunyo 24).

Dito ay sinabi ni Kris na nagpositibo sila nina Josh at Bimby sa Covid-19 sa gitna ng kaniyang pagpapagamot sa Amerika.

Anang Kris, unang nagkaroon ang panganay na si Josh noong Hunyo 20 at sumunod naman sila ni Bimby.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/30/kris-mga-anak-na-sina-josh-at-bimby-tinamaan-ng-covid-19/">https://balita.net.ph/2022/06/30/kris-mga-anak-na-sina-josh-at-bimby-tinamaan-ng-covid-19/

Sa medical advice ng mga doktor at nurse, umalis sina Kris at Bimby sa tinutuluyan nilang bahay at iniwan si Josh sa pangangalaga ng isa pang nurse at mga kaibigan. Hindi kasi maaaring magkaroon ng Covid-19 ang TV host-actress dahil maaaring lumala ang kaniyang kondisyon.

Sa inisyal na PCR test ay negatibo daw ang mag-ina, subalit noong Hunyo 23 ay sumama ang pakiramdam ni Kris.

Nang sumailalim sa antigen test, sinabi ni Kris na, "Both red lines had appeared." Kaagad daw niyang pinalipat sa ibang hotel si Bimby.

Kasalukuyang naka-isolate pa rin ang tatlo subalit umaasa si Kris sa kanilang paggaling, na hiniling naman niya sa kaniyang yumaong kapatid, na sana ay tulungan sila sa agarang paggaling, alang-alang sa mga anak niya.