Sinita ng manunulat at naging nominee ng "Kapamilya ng Manggagawang Pilipino" party-list na si Jerry Gracio ang mga mang-aawit na sina Martin Nievera at Jed Madela, matapos maging bahagi ng "Salamat, PRRD" thanksgiving event noong Hunyo 26, sa Quirino Grandstand sa Luneta, Maynila.

Hindi umano maatim ni Gracio na ang Kapamilya singers na ito ay kinantahan ang dating pangulo, na naging dahilan umano upang hindi mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, na kanilang kompanyang pinagtatrabahuhan.

Kamakailan lamang ay inamin ni Duterte na ginamit niya ang kaniyang presidential powers sa Kongreso upang maharang ang aplikasyon sa panibagong prangkisa ng Kapamilya Network.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/29/pangulong-duterte-inaming-ginamit-ang-presidential-powers-kontra-abs-cbn/">https://balita.net.ph/2022/06/29/pangulong-duterte-inaming-ginamit-ang-presidential-powers-kontra-abs-cbn/

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

"Pakitanong kay Martin Nievera, Jed Madela, atbp. kung bakit sila nagpapasalamat kay Duterte---dahil ipinasara ni Duterte ang network na pinagtrabahuan nila? Dahil nawalan ng trabaho ang mga kapwa nila manggagawa sa ABS-CBN? Pakitanong please," ayon sa social media post ng ABS-CBN writer noong Hunyo 28.

Screengrab mula sa FB/Jerry Gracio

Sa isa pang hiwalay na FB post, may makahulugang saloobin naman siya tungkol sa loyalty.

"Yung loyalty, di mo naman masusukat 'yan sa pag-stay sa Ignacia at di paglipat sa Kamuning. Andaming taga-Kamuning who supported their colleagues from Ignacia, while people from Ignacia sing praise to the man who burned their house."

Screengrab mula sa FB/Jerry Gracio

Ngayong Hunyo 30 ay muling nagbigay ng kaniyang saloobin si Gracio tungkol dito. Aniya, wala raw siyang pakialam kung ano pang gawin ng mga ito kay Digong. Ang kinukuwestyon niya, kung sinabihan umano ng dating pangulo na "kawatan" ang network, bakit pa nila naaatim na magtrabaho roon?

"Para malinaw at last na ito: wala akong paki kung kantahan ninyo si Duterte. Kahit sayawan n’yo pa, mag-twerk kayo. Pero sabi ni Duterte, 'kawatan' ang ABS-CBN. So, paano naaatim ni Martin Nievera at Jed Madela na magtrabaho sa isang kompanya na 'kawatan'?"

"Maliban kung hindi sila naniniwala kay Duterte. But why sing praises to the man who calls your company kawatan? Ang labo, di ko maintindihan," ani Gracio.

Screengrab mula sa FB/Jerry Gracio

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang dalawang mang-aawit tungkol dito.

Kaugnay nito, ibinahagi ni Jed na may isang basher na tumawag sa kaniyang "tanga" at "bobo" dahil sa song choice na inawit niya sa naturang event.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/28/jed-sinabihang-tanga-at-bobo-kinanta-sa-thanksgiving-event-ni-prrd-pampatay-raw/">https://balita.net.ph/2022/06/28/jed-sinabihang-tanga-at-bobo-kinanta-sa-thanksgiving-event-ni-prrd-pampatay-raw/