Naglabas ng pahayag ang dating First Lady ng United States na si Hillary Clinton tungkol sa pagpapasara saonline news organization na 'Rappler.'
"The people of the Philippines deserve sources of news and information that will tell them the truth," saad ni Clinton sa kaniyang tweet nitong Huwebes, Hunyo 30.
Binigyang-diin pa niya na nagsasabi ng totoo ang Rappler at ang CEO nito na si Maria Ressa.
"Rappler, and Maria Ressa, tell the truth. Shutting the site down would be a grave disservice to the country and its people," dagdag pa niya.
Matatandaan na pinagtibay ng SEC noong Hunyo 28 ang naunang desisyon nitong bawiin ang Certificates of Incorporation ng Rappler, Inc. at RHC dahil sa paglabag sa Foreign Equity Restrictions sa Mass Media na nakasaad sa Konstitusyon.
Ang desisyon, na nilagdaan ni SEC Chair Emilio B. Aquino at apat na iba pang SEC commissioners, ay nagdeklara bilang walang bisa sa Philippine Depository Receipts (PDRs) na inisyu sa American firm na Omidyar Network (ON) ng Rappler at RHC dahil ito ay lumabag, bukod sa iba pa, Seksyon 71.2 ng ang Securities Regulation Code.
Si Hillary Clinton ang asawa ng ika-42 na pangulo ng US na si Bill Clinton.