Ipinagmalaki at binigyang-pugay ng komedyanteng si Beverly Salviejo na isa siyang tagasuporta at tagasunod ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, Hunyo 30, matapos ang pagbaba nito sa puwesto, para sa pag-upo naman ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Ibinahagi ni Salviejo ang isang Facebook page na nagpapakita ng legacy ni Digong sa anim na taon nitong panunungkulan.

"Ikinararangal kong isa ako sa tagasunod mo hanggang sa huling sandali ng iyong termino… MARAMING SALAMAT PRRD!" ani Salviejo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Screengrab mula sa FB/Beverly Salviejo

Sa kabilang banda, si Salviejo ay tagasuporta rin ng BBM-Sara tandem, at isa siya sa tatlong gaganap na kasambahay sa pelikulang "Maid in Malacañang" sa direksyon ni Darryl Yap.

Layunin ng pelikulang ito na ikuwento ang mga nagaganap sa Palasyo, 72 oras bago maganap ang EDSA People Power I noong 1986, na nagpatalsik sa puwesto kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr, na siyang ama ni PBBM.