Nagpasalamat ang Human rights lawyer na si Atty. Chel Diokno kay dating Bise Presidente Leni Robredo sa anim na taong serbisyo nito sa bansa.
"VP @lenirobredo, thank you for your six years of invaluable and incorruptible service," ani Diokno sa kaniyang tweet nitong Huwebes, Hunyo 30.
"From the OVP’s pandemic response projects, disaster relief efforts, and many other activities, you have set an example for how clean and transparent governance can truly help our people," dagdag pa niya.
Matatandaan na bago matapos ang kaniyang termino, ipinagmalaki ni Robredo ang ‘unqualified opinion’ na nakuha ng Office of the Vice President mula sa Commission on Audit o COA, sa loob ng apat na magkakasunod na taon.
“We were granted an unqualified opinion by the Commission on Audit for the 4th straight year (2018-2021)!!! What a fitting exclamation point to our 6 years at the OVP,” aniya.
Basahin:https://balita.net.ph/2022/06/29/outgoing-vp-leni-ibinida-ang-unqualified-opinion-na-muling-nakuha-ng-ovp-sa-coa/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/06/29/outgoing-vp-leni-ibinida-ang-unqualified-opinion-na-muling-nakuha-ng-ovp-sa-coa/
Sa sumunod na tweet, sinabi ni Diokno na kasama ni Robredo ang kaniyang mga tagasuporta sa panibagong kabanata ng paglilingkod sa bayan.
Matatandaan din na sa Hulyo 1, nakatakdang ilunsad ni Robredo ang Angat Buhay NGO hango ito sa kaniyang proyekto sa Office of the Vice President (OVP) na Angat Buhay program.
"Saksi ang sambayanang Pilipino sa inyong pagmamahal at dedikasyon sa ating bansa, at patuloy niyo kaming binibigyan ng pag-asa at determinasyon. Kasama niyo kami sa panibagong kabanata ng iyong paglilingkod sa bayan. Mabuhay ka VP Leni!" ani Diokno.
Ngayong Huwebes, Hunyo 30, opisyal nang bumaba sa puwesto si Robredo bilang ika-14 na Bise Presidente ng Pilipinas. Nagsilbi siya mula noong Hunyo 2016 hanggang ngayong Hunyo 2022.