Sinabi ni dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat, Jr. na gagawin niya ang lahat para ipagpatuloy ang kanilang adbokasiya ni outgoing Vice President Leni Robredo.

"Salamat ma'am Leni," ani Baguilat sa kaniyang tweet nitong Miyerkules, Hunyo 29.

"I'll do my best to take care of our volunteers and continue our advocacies," dagdag pa niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

https://twitter.com/TeddyBaguilatJr/status/1542135720621776902

Sa hiwalay na tweet, sinabi rin ni Baguilat na 'proud' siyang makatrabaho ang outgoing vice president.

"Proud to have served with you in pushing good laws Congress, worked with you in building a people’s party in LP and campaigned with you for new politics in the last elections," aniya.

"Naiiyak ako. Pero itutuloy natin ang adhikain mo at magtatagumpay tayo balang araw," ayon pa sa dating senatorial candidate

https://twitter.com/TeddyBaguilatJr/status/1542076512098066433

Matatandaan na kabilang si Baguilat sa senatorial slate ni Robredo noong eleksyon 2022. 

Samantala, ngayong Huwebes, Hunyo 30, nakatakdang bumaba sa puwesto si Robredo bilang bise presidente at siya ay papalitan ni Vice President-elect Sara Duterte, anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.