Pinabulaanan ng tinaguriang "Godfather of Pinoy Rap" na si Andrew E ang mga kumakalat na chikang nakabili siya ng dalawang sports car dahil sa kaniyang pangangampanya para sa UniTeam, at ngayon nga, ay nakaluklok na sina Presidente Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte.

Ayon sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP, napamulagat daw ang mga mata ng Pinoy rapper nang banggitin nila ito sa kaniya. Wala raw siyang ibang nakuha mula kay PBBM kundi yakap o embrace.

“O, haayan, gusto mo? Ok, ang nakuha ko kay Bongbong, kapalit ng, you know, pag-campaign… yakap. Embrace," ani Andrew E.

Boluntaryo lamang daw ang kaniyang pangangampanya, lalo't noon pa man, tagasuporta na siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sinuportahan din niya ngayon ang anak nitong si Inday Sara.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Dati kasi… Sara one side. Bongbong, one side. Remember the word ‘UniTeam’? Kaya naging one side together. Without UniTeam, the uniTeam word and the uniTeam team, hindi 'yan maggaganun. Which means magpo-promote si Sara, magpo-promote si Bongbong. Leeway. Magkaiba."

“Pero natutupad din 'yon. May mga pagkakataon na Sara, one way… Bongbong, another way."

"Pero kapag UniTeam ang schedule, Sara and Bongbong together. Ako, Sara ako. Ok, Sara ako. Pero kapag may UniTeam, join ako. Pag may UniTeam," ani Andrew E sa panayam ng PEP.