Nagtalaga naang kampo ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr. ng bagong hepe ng Commission on Audit (COA) atGovernment Service Insurance System (GSIS).
Ayon kay incoming press secretary Trixie Cruz-Angeles, napili ni Marcos si Solicitor General Jose Calida bilang hepe ng Commission on Audit (COA).
Si Calida ay itinalaga ni outgoing President Rodrigo Duterte bilang Solicitor General noong Hulyo 2016.
Noong 1969, nagtapos ng cum laude si Calida sa Ateneo de Davao University. Nagtapos din ito ng Bachelor of Law sa Ateneo de Manila University noong 1973.
Bago napabilang sa administrasyong Duterte, nanilbihan muna si Calida bilang Justice Undersecretary atexecutive director ng Dangerous Drugs Board (DDB).
Bukod kay Calida, ipinuwesto rin ni Marcos si banking executive Jose Arnulfo Veloso bilang hepe ng GSIS.Noong 2018, pinalitan ni Veloso si Reynaldo Maclang bilang presidente ng Philippine National Bank at matapos ang 30 taon sa banking sektor ay naging pangulo ito ngBankers Association of the Philippines (BAP).