Emosyunal si Senador Bong Go sa ginanap na "Salamat, PRRD" thanksgiving event noong Hunyo 26 sa Quirino Grandstand, Luneta, Maynila para sa pagpapasalamat at pagbibigay-pugay sa legacy ni outgoing President Rodrigo Duterte, na bababa na sa kaniyang termino sa Hunyo 30 ng tanghali, at pagpasok naman ni President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr.

"SALAMAT, PRRD!," panimula ni Go sa kaniyang Facebook post noong Hunyo 27.

"Higit pa sa salitang salamat sa dami ng mga naisakatuparang plano at mga natulungang Pilipino sa loob ng anim na taon na panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte."

"Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ko kagabi nang ganapin ang isang free concert bilang pasasalamat kay Tatay Digong, at marahil maging ang bawat Pilipinong nagmamahal sa kanya ay ganun din ang naramdaman."

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Naniniwala si Go na bagama't aalis na sa kaniyang termino ay maipagpapatuloy pa rin ng susunod na administrasyon ang mga proyekto nito.

"Ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30, 2022, alam kong hindi ito magiging hadlang para magpatuloy pa rin ang kanyang nasimulang pagbabago sa bansa at ang serbisyong mula sa puso para sa bawat Pilipino. Mabuhay ang Pilipinas!"

Si Go, bago pa maging senador, ay kilalang "sidekick" ni Pangulong Duterte, kahit noon pang mayor pa lamang ito sa Davao City. Minsan na rin siyang naging miyembro ng gabinete bilang Special Assistant to the President at Head of the Presidential Management Staff mula Hunyo 2016 hanggang Oktubre 2018, bago tuluyang sumabak sa politika bilang senador.