Hindi umano nakababahala ang pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Metro Manila, ayon sapahayag ng OCTA Research Group.
Pagdidiinni OCTA Research fellow Dr. Guido David, posibleng tumaas sa 500 ang seven-day average ng sakit sa National Capital Region (NCR). Gayunman, sinabi nito na hindi dapat ito ipangamba dahil hindi pa ito ikinokonsidera na 'surge.'
“Tumataas angcases sa NCRsa52 percent one-week growth rate.Angseven-day averagenatin ay342. We expectna baka tumaas pa siya, may be between 400 to 500 this week,” ayon kay David sa isinagawang Laging Handa publlic briefing nitong Martes.
Matatandaang naitala ang 434 na bagong kaso ng sakit nitong Hunyo 27 habang lumobo naman sa 5.9 porsyento ang positivity rate nitong Hunyo 25 mula sa dating 3.9 porsyento noong Hunyo 18.
“Pero hindi naman ito nakababahala. Mababa pa ito kumpara sa mga nakaraan nasurge," sabi pa ni David.
Nauna nang nagpahayag ng pangamba si Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng umabot sa 17,000 ang kaso ng sakit kada araw kung babalewalain ang ipinatutupad naminimum public health standards (MPHS).
PNA