Bago matapos ang kaniyang termino, ipinagmalaki ni outgoing Vice President Leni Robredo ang 'unqualified opinion' na nakuha ng Office of the Vice President mula sa Commission on Audit o COA, sa loob ng apat na magkakasunod na taon.

Sa kaniyang tweet ngayong Hunyo 29, masayang ibinahagi ni Robredo ang magandang balitang ito.

"We were granted an unqualified opinion by the Commission on Audit for the 4th straight year (2018-2021)!!! What a fitting exclamation point to our 6 years at the OVP," aniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

https://twitter.com/lenirobredo/status/1541933432996958208

Mahalaga ang 'unqualified opinion' dahil nangangahulugan itong nagamit sa tama ang pondong nakalaan sa isang partikular na opisina, at wala itong bahid ng katiwalian, batay sa financial reports at statements, alinsunod sa Philippine Public Sector Accounting Standards.