CAMP DANGWA, Benguet – Arestado ang apat na hinihinalang drug personalities at 54 na wanted person sa pinaigting na anti-criminality operation ng Police Regional Office-Cordillera.

Sa isang linggong manhunt operation mula Hunyo 19 hanggang 25, inaresto ng Benguet police ang 18 wanted persons, na sinundan ng Baguio police na may 14; Ifugao police na may pito; Abra police na may lima; Mountain Province police na may apat, at Apayao at Kalinga police na may tatlong inaresto.

Binigyang-diin ang manhunt operation sa pagkakaaresto sa dalawang wanted person sa antas ng probinsiya at istasyon.

Sa antas ng probinsiya, si Jun Galate, na nakalista bilang No. 5, ay inaresto ng Benguet police dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa antas ng istasyon, si Cezerah Liwaliw, na nakalista bilang No. 7, ay inaresto ng mga operatiba ng Baguio police dahil sa perjury.