Patay ang isang empleyado matapos itong barilin ng isang lalaki sa isang talipapa sa Barangay Ugac Norte, Tuguegarao City nitong Martes ng gabi, ayon sa pulisya.

Dead on the spot ang biktima na si Gerero Matammu, 57, empleyado ng Tuguegarao City Hall, at taga-Arellano Ext., Tuguegarao City, dahil sa mga tama ng bala ng baril sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Kaagad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek sakay ng isang motorsiklo, ayon kay City Chief of Police, Lt. Col. Edith Narag.

Sa paunang pagsisiyasat ng pulisya, ang insidente ay naganap sa isang talipapa sa Bassig Street dakong 8:20 ng gabi.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakitang abala ang biktima sa pakikipag-usap sa pinsang si Ruiz Mabborang nang lumapit ang isang lalaki at binaril ito.

May teorya ang mga awtoridad na inabangan ng suspek ang biktima.

“Inaasahan na matutukoy ang salarin sa pamamagitan ng kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera na malapit sa pinangyarihan ng krimen," ayon kay Narag.

Iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang insidente.