Pagpapakita umano ng kahinaan ng outgoing Duterte at incoming Marcos administration ang patuloy na pag-atake raw sa media, ayon kay Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares, matapos ipag-utos ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang shut down ng online news site na "Rappler" ni Nobel Peace Prize recipient Maria Ressa.

Ibinahagi ni Colmenares ang kaniyang pananaw at paninindigan tungkol dito, sa kaniyang Facebook post, Hunyo 29. May pamagat itong "CONTINUED ATTACK ON PRESS REFLECTS WEAKNESSES OF DUTERTE AND MARCOS REGIME By Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares."

Nasusulat, "The decision of the Securities and Exchange Commission to uphold its closure order on Rappler is a tightening of the disinformation campaign of the Duterte and the incoming Marcos regime. It’s bent on silencing fearless journalism so its machinery can continue propagating lies."

Masyado raw "balat-sibuyas" o sensitibo ang dalawang administrasyon.

"Masyadong balat-sibuyas ang Duterte at Marcos regime, dahil alam nila nakaukit sa ating kasaysayan ang kapalpakan at karahasan sa ilalim ng mga pamilya nila. Hindi nila kayang ibalik ang nakaraan, kaya pilit nila ipinagtatakpan na lang ito sa pamamagitan ng pagbusal sa ating mga mamamahayag para lamang malimutan ng tao ang kasalanan ng mga pamilya nila."

Iginiit ni Colmenares na ang ikaapat na estado ng demokrasya ay ang media kaya nararapat lamang na huwag itong sagkaan, upang patuloy na mamonitor ang "checks and balances". Bukod sa Rappler, nabanggit din ni Colmenares ang nangyari sa ABS-CBN, na kamakailan lamang ay muling inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte, na ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan bilang pangulo sa Kongreso upang maharang ang franchise renewal ng network.

"Media has always been the fourth estate in a democracy. A robust democracy allows journalists to do their job fearlessly to give people a space for engagement. Persisting on the shutdown of Rappler, ABS-CBN, and alternative media sites will only further destroy our pillars for checks and balances."

"Let the outgoing and incoming administrations know they have never won this battle since the beginning, as their repeated attacks on the press are their reactions to deflect the issues at hand. The Marcos and Duterte regime cannot silence the media, and we will stand with our media workers in defending the freedom of the press," aniya pa.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng dalawang administrasyon tungkol dito.