Lalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong 'Caloy' nang pumasok sa bansa nitong Martes ng gabi, ayon sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules.

Sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 395 kilometro kanluran ng Iba, Zambales.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging 45 kilometro kada oras at bugsong hanggang 55 kilometro kada oras.

Dahan-dahang kumikilos ang sama ng panahon patungong West Philippine Sea (WPS).

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Patuloy pa nitong paiigtingin ang southwest monsoon o habagat na magpapaulan sa Bataan, Zambales, Palawan, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Aurora, at Quezon. 

Ayon naman kay weather forecaster Ana Clauren-Jorda ng PAGASA, inaasahang nasa labas na ng Pilipinas aj bagyo sa susunod na 24 oras.