Ibinahagi ng isang may-ari ng tindahan sa Cabanatuan City, Nueva Ecija ang pag-uusap nila ng isang Badjao na nakatambay sa kaniyang tindahan.

Madalas umano niyang nakikita ang naturang Badjao na pagala-gala sa lansangan, sumasampa sa mga pampasaherong sasakyan, at nangangalabit upang mamalimos.

Ayon sa ulat, naisipan daw ng may-ari ng tindahan na magpabarya sa Badjao sa halagang 500 piso. Nagulat umano siya nang sumang-ayon ito.

"Ate madami ka na ba barya? At buuin ko," tanong ng may-ari ng tindahan.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

"Oo, piso at lima," sagot daw ng Badjao.

"Ate, ilang oras ito?"

"Alas sais nagsimula (umaga)."

Nakabuo umano sila ng barya na may halagang ₱500 mula sa kinita ng pulubi.

May be an image of money
Larawan mula sa Mja Variety Nueva Ecija/FB

"Ilang oras lang 'yun sa bawat customer ko na nilalapitan niya. Meron magbigay, meron din naman hindi. Yung magugulat ka na lang mas malaki pa kinikita niya sa 8 hours na nagtatrabaho," saad na lamang ng may-ari ng tindahan.

Matatandaang sinabi noon sa isang panayam ng sumikat na "Badjao Girl" at dating Pinoy Big Brother housemate na si Rita Gaviola na naging tradisyon na nila ang pagbaba sa kalunsuran at pamamalimos. Sa katunayan, ito ang naging ugat kung bakit siya nakilala matapos makuhanan ng litrato ng isang photographer.