Isang stampede ang naganap sa isang Pride parade sa New York, sa Estados Unidos, kung saan daan-daang tao ang nagtangkang tumakas matapos mapagkamalang putok ng baril ang tunog ng mga paputok.

"There were NO shots fired in Washington Square Park. After an investigation, it was determined that the sound was fireworks set off at the location," sabi ng New York Police District sa isang tweet pagkatapos ng insidente.

Sa panayam ng Agence France-Presse (AFP) pulisya, sinabi nito na wala namang malubhang pinsala ang naganap.

Nagkumpulan sa isang kalye katabi ng plaza ang mga tao dahil sa takot nang mapagkamalang barilan ang mga paputok.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang LGBTQIA+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, questioning, queer, intersex, asexual, pansexual, at allies) Pride parade noong Hunyo 26 ay dinaluhan ang libu-libong katao, na dumaan sa mga lansangan ng lower Manhattan.

Isa sa naging protesta dito ay ang kontrobersiyal na pagbaliktad ng Korte Suprema ng US sa Roe v. Wade, o constitutional right to abortion.

Matatandaan na opisyal na binaligtad ng Korte Suprema ng U.S. ang ‘Roe v. Wade’ noong Hunyo 24, na nagdedeklara na ang konstitusyonal na karapatan sa pagpapalaglag na itinataguyod sa halos kalahating siglo, ay tablado na.

Maraming mga grupo ng karapatan ang nangangamba na ang hatol sa pagpapalaglag ay maaaring simula ng isang mas malawak na pagtulak ng Korte Suprema, na kasalukuyang pinangungunahan ng isang konserbatibong mayorya, upang pigilan ang iba pang mga kalayaang napanalunan nitong mga nakaraang dekada, tulad ng mga karapatan sa kontraseptibo o same-sex marriage.