Mukhang wala pang planong tantanan ni Manay Lolit Solis ang Kapuso star na si Bea Alonzo at muli na naman itong nagpakawala ng maaanghang na tirada laban sa aktres ngayong Martes.

Ang bagong Kapuso ay hindi na naman nakaligtas sa pagkukumpara sa ningning ng Kapuso real-life couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

“May nagsasabi na parang wala ng ningning si Bea Alonzo dahil para naman hindi masyadong excited ang tao sa paglabas niya sa TV. Mas nanduon pa ang excitement sa pagsasama nila Dingdong Dantes at Marian Rivera sa ditcom na Jose at Maria, bonggang Villa,” pag-uumpisang talak ni Manay Lolit.

Dagdag niya, “Kasi nga ewan ko ba kung bakit hindi na mukhang fresh at yummy si Bea Alonzo, baka dahil narin sa edad niya at lagi ngang nasa isip mo na pinalitan ni Gerald Anderson ng mas batang Julia Barretto kaya tuloy ang lagi mo naiisip, baka dahil old na si Bea at young si Julla kaya na ghosting.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Aniya pa, may panahon daw noon na “inaakala ng marami na mala Diyosa ang ganda ni Bea pero hayun nga, iniwan sa ere.”

Walang preno ring itong nagpahayag ng unsolicited comment ukol sa mga naging prayoridad at pasya ni Bea para sa sariling buhay.

“Dapat sa edad niya meron na siyang asawa at mga anak, pero single parin kaya nagtatanong ka, ano dahilan?” talak ni Manay sa 34-anyos na aktres.

Base sa ilang social media posts ni Bea, masaya ang aktres sa kasalukuyang buhay pag-ibig nito kasama ang karelasyon at kapwa aktor na si Dominic Roque.

Sa kabila nito, dagdag na talak ni Manay sa aktres: “Sana naman makakita na siya ng tunay na magmamahal sa kanya para hindi siya maging bitter sa buhay.”

“Ihanap nyo nga ng partner Salve at Gorgy, elegible at available si Bea Alonzo, please alukin nyo na ng kasal para makahabol pa sa last trip at magkaruon pa ng mga babies,” walang habas na komento nito kay Bea.

Matatandaang ikinasama ng loob ni Manay Lolit ang umano’y pag-elbow ni Bea sa batikang kolumnista sa isang press conference nito.

Mula noon, naging laman na ng mga tirada nito sa Instagram ang Kapuso actress.

Patuloy namang dinededma ni Bea ang mga patutsada ni Manay Lolit.