Kahit may pagtaas ng daily average Covid-19 rate, isasailalim pa rin sa Alert Level 1 ang Metro Manila hanggang Hulyo 15, ayon sa Malacañang nitong Martes.
Sinabi ni acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na ito ay matapos i-update ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga matrice na gagamitin para sa Alert Level System, at sa alert level classification ng mga probinsya, highly urbanized cities (HUCs), independent. component city (ICCs), component cities, at munisipyo.
Aalisin ng bagong matrix ang dalawang linggong rate ng paglago sa pagtukoy ng pag-uuri ng panganib sa kaso. Ang pag-uuri ng panganib sa kaso ay ibabatay sa average na pang-araw-araw na rate ng pag-atake at ang kanilang kasalukuyang mga limitasyon.
Gayunpaman, pinanatili ng IATF ang kabuuang rate ng paggamit ng kama at ang mga kasalukuyang threshold nito bilang pangunahing sukatan para sa kapasidad ng sistema ng kalusugan.
Bukod sa Metro Manila, ang mga sumusunod na probinsya, HUCs, at ICCs ay sasailalim din sa Alert Level 1 hanggang Hulyo 15:
• Cordillera Administrative Region - Abra, Apayao, Baguio City, Kalinga, and Mountain Province
• Region 1 - Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, and Pangasinan
• Region 2 - Batanes, Cagayan, City of Santiago, Isabela, Nueva Vizcaya, and Quirino
• Region 3- Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac, and Zambales
• Region 4-A- Batangas, Cavite, Laguna, Lucena City, and Rizal
• Region 4-B - Marinduque, Oriental Mindoro, Puerto Princesa City, and Romblon
• Region 5 - Albay, Catanduanes, Naga City, and Sorsogon
• Region 6 - Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras, Iloilo Province, and Iloilo City
• Region 7 - Cebu City, Lapu-Lapu City (Opon), Mandaue City, and Siquijor
• Region 8 - Biliran, Eastern Samar, Ormoc City, Southern Leyte, and Tacloban City
• Region 9 - Zamboanga City
• Region 10 - Bukidnon, Cagayan De Oro City, Camiguin, Iligan City, Misamis Occidental, and Misamis Oriental
• Region 11 - Davao City and Davao Oriental
• Region 12 - South Cotabato
• Caraga - Butuan City, Surigao Del Sur, Agusan Del Norte, and Agusan Del Sur
• Bangsamoro Autonomous Region (BARMM) in Muslim Mindanao - Cotabato City
Matatandaan na iniulat ng Department to Health (DOH) nitong Hulyo 27 na tumaas pa ng 53% ang daily average ng mga naitatalang bagong COVID-19 cases sa bansa nitong nakalipas na linggo.
BASAHIN: DOH: Daily average number ng bagong COVID-19 cases, tumaas ng 53%
Batay sa inilabas na weekly COVID-19 update ng DOH, nabatid na mula Hunyo 20 hanggang 26, 2022, nasa 4,634 ang bagong kaso ng sakit na kanilang naitala sa bansa.
“Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 662, mas mataas ng 53 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Hunyo 13 hanggang 19,” anang DOH.