Pinakanasasabik na raw na muling makabalik sa Palasyo ng Malacañang ang dating First Lady na si Imelda Marcos, ayon sa kaniyang anak na si Senadora Imee Marcos sa isang panayam.

Ayon kay Imee, sa Palasyo na umano magdiriwang ng ika-93 kaarawan ang ina.

“Siyempre, ang starring diyan ang nanay ko. Kung anong gustong gawin ng nanay ko, susunod po kaming lahat dahil yung nanay ko ang siyang pinaka-excited dahil tagumpay ng isang ina talaga matapos ang 36 years na pagkahaba-haba," sey pa ni Senadora Imee.

“Kung anong gusto ng nanay ko, higit sa lahat, magbi-birthday na siya doon, July 2,” dagdag pa.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Sa Hunyo 30 ang nakatakdang inagurasyon ni President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. bilang ika-17 pangulo ng bansa, sunod sa yapak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

Matatandaang halos dalawang dekada na naging tahanan ng pamilya Marcos ang Malacañang subalit napaalis sila sa Palasyo dahil sa EDSA People Power Revolution I noong Pebrero 1986.