Pinanindigan ng Korte Suprema ang legalidad ng kandidatura ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. kung saan ibinasura ng tribunal ang mga petisyon na humihiling sa kanyang diskwalipikasyon.

Sa isang pahayag sa media sa pagtatapos ng regular na sesyon ng en banc, sinabi ng mataas na hukuman na nagdesisyon ito ng 13-0 na i-dismiss ang dalawang petisyon -- G.R. No. 260374 (Fr. Christian B. Buenafe, et al. v. Commission on Elections, et al.) at G. R. No. 260426 (Bonifacio P. Ilagan, et al. v. Commission on Elections, et al.).

Naniniwala ang Korte na sa paggamit ng kapangyarihan nitong magpasya sa kasalukuyang kontrobersya ay wala silang ibang naging konklusyon kundi ang respondent na si Marcos Jr. ay kuwalipikadong tumakbo at mahalal sa pampublikong opisina.

"The Court held that in the exercise of its power to decide the present controversy led them to no other conclusion but that respondent Marcos Jr. is qualified to run for and be elected to public office. Likewise, his COC (Certificate of Candidacy), being valid and in accord with the pertinent law, was rightfully upheld by the Comelec (Commission on Elections)," anang SC.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Hindi nakibahagi sa mga deliberasyon sina Associate Justices Antonio Kho at Henri Jean Paul Inting.

Si Kho ay dating Comelec commissioner habang ang kapatid ni Inting na si Socorro ay isang incumbent commissioner at ang acting chair hanggang ngayon.

Pinagtibay ng SC ruling ang mga resolusyon ng poll body, na may petsang Enero 17 at Mayo 10, na nag-dismiss sa mga petisyon laban kay Marcos dahil sa kawalan ng merito.

Nitong Martes din, kinumpirma ng SC na si Chief Justice Alexander Gesmundo ay hiniling na ibigay ang panunumpa sa tungkulin kay Marcos Jr. sa kanyang inagurasyon sa National Museum of the Philippines grounds sa Maynila.

Nauna nang sinabi ni incoming Executive Secretary Vic Rodriguez na susundin ni Marcos ang tradisyon na hayaan ang Punong Mahistrado na mangasiwa ng panunumpa.