Sinimulan na ang konstruksiyon ng skateboarding park sa Baler, Aurora, na nagkakahalaga ng P37.97-million, bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na palakasin ang potensyal ng mga kabataan sa sports at lokal na turismo at ekonomiya.

Pinangunahan nina District Engineer Roderick Andal kasama sina Aurora Lone District Representative Rommel Angara at Baler Mayor Rhett Ronan Angara ang groundbreaking ceremony sa Brgy. Calabuanan, Baler, Aurora.

Ang sports facility ay inaasahan na may lawak na 6,561.10-square meter property at magkakaroon ng mga amenities tulad ng maluwag na parking area, isang administrative office at view deck, isang well-lighted skate park, bagong 400 seating capacity grandstand, at isang parke.

Ani Andal, ang parke ay idinisenyo hindi lamang para sa kasiyahan ng mga lokal na mahilig sa skateboard ngunit maaari rin itong gamitin bilang isang lugar para sa mga pambansang paligsahan sa skateboarding.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"It features skating obstacles for beginners, intermediate and professional skateboarders, and will be equipped with CCTVs (closed-circuit televisions), sound systems, water supply, standby power supply, athlete lockers, and public toilets for the convenience of our athletes and park visitors," dagdag pa ng district engineer.

Dumalo rin sa groundbreaking ang mga miyembro ng Taga Baler Skateboarding Community (TBSC).

Matatandaan na nakasungkit ang TBSC ng silver medalist sa Men’s Street Skateboarding competition sa 30th Southeast Asian Game noong 2019 sa pamamagitan ni Renzo Mark Feliciano.