Nanumpa na si Senator-elect Loren Legarda sa tungkulin bilang senador sa mismong lugar nito sa Antique nitong Lunes.

Si Mag-aba, Pandan barangay chairman Macario Bagac ang mismong nagpanumpa kay Legarda sa Evelio B. Javier Freedom Park sa San Jose de Buenaviste.

Sa kanyang talumpati, binanggit ni Legarda ang mga kinakaharap na hamon ng bansa, kabilang na ang epekto ng climate change at pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

“How do we translate laws into substantial benefits that would extend to the farthest reaches of our 7,107 islands? How do we recover from the afflictions of the last few years, the twin crises of climate change and the pandemic? Trabaho at kabuhayan. Ito ang dapat nating patuloy na isulong lalo na’t hindi pa tapos ang ating laban sa kasalukuyang pandemya at sa krisis ng klima,” banggit pa ni Legarda.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Ito na ang ikaapat na termino ni Legarda sa Senado. Naging kongresista rin ito sa Antique sa loob ng tatlong taon.