Tiniyak ni Senator Ronald "Bato" Dela Rosa na ihahain niya ulit ang kanyang mandatory ROTC (Reserve Officers’ Training Corps) bill sa pagsisimula ng 19th Congress sa Hulyo 25.

Aniya, nakapaghain na rin siya ng kahalintulad na panukalang batas noong 18th Congress.

"Yes, the same bill that I filed during the 18th Congress, ipa-file ko ngayon doon sa 19th Congress. At titingnan ko kung mayroong proposal ‘yung Office ng Vice President na gagawin nila, isa-submit sa akin, then I am willing to author such a bill na gusto nila, ‘yung version na gusto ni Vice President Inday Sara Duterte-Carpio," banggit ng senador.

Sa panukala ni Dela Rosa, magkakaroon ng ROTC program sa Grade 11 at 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ang kanyang ROTC bill aniya ay mild version lang kumpara samandatory two-year military service na isinusulong ni Vice President-elect Duterte-Carpio.

"Mas mild itong aking version, kumpara mo doon sa version na, I have heard, ifI’mcorrect, ‘yung version ni Vice President Inday Sara, 'di ko siya pangungunahan… ‘yung aking narinig ay ‘yung talagang mandatory military training to all the youth like the Korea, Singapore versions (na) kailangan na drafting talaga, two years drafting doon sa military, which ako, nakita ko mas mahirap palusutin ‘yan. It will face a stiff opposition," sabi nito.

Noong 2002, naging optional angmandatory military training sa kolehiyo kasunod na rin ng pagkamatay ni University of Santo Tomas student Mark Chua. Si Chua ay napaslang umano ng mga opisyal ng ROTC matapos niyang ibunyag ang irregularidadsa paghawak ng pondo nito.