Ibinahagi ni Kakampink celebrity mom Rica Peralejo-Bonifacio ang kumbersasyon nila ng kaniyang panganay na anak na si Philip, sa kaniyang Instagram post nitong Hunyo 24, 2022.

Tinanong daw niya ang panganay na kung sakaling makaharap nito si outgoing Vice President Leni Robredo, ano raw ang sasabihin nito sa kaniya? Nangyari daw ito noong sumama ang mga anak sa Zamboanga rally ng Kakampink.

"Asked my son, “What would you say to VP Leni in case you get to meet her?” He was then coming with me to the Zamboanga rally.

"His answer was, 'Hi. I am Philip and I am the son of one of your voters?'"

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Ibinahagi naman ni Rica ang kaniyang napagtanto sa sinabi ng kaniyang anak. Aniya, proud daw siya na isa siya sa 15M voters na bumoto kay Robredo.

"We kept laughing back then because it was so much like his process — logical, factual, matter-of-fact."

"Although today it means more than just a young man’s process but an identification I will always be proud of. Not regretting a thing that if life repeats someday somehow I would make the same stand still. She really is the leader I am looking for, and I am able to follow with my whole heart. Proud to be one of the 15M."

Bagama't hindi nakasama ang actress-host-vlogger sa isang thanksgiving dinner para sa mga naging volunteers, ipinangako naman ni Rica na tutulong siya sa Angat Buhay NGO na nais ipagpatuloy ni Robredo, na ilulunsad na sa Hulyo 1.

"Thank you for giving us hope and an unforgettable historical moment. I treasure all the times na nakasama at nakatulong po ako maski paano," ani Rica.

Sa comment section ay mapapansing nagkomento si outgoing VP Leni.

"Yes!! We missed you last night. Hinanap kita kay Paula (Peralejo). Hope to see you again soon. Love to the boys," ani outgoing VP Leni.

"@lenirobredo mam just say the word, sama po ako. Miss na miss ko na po magsilbi sa ilalim ng inyong pamumuno. Boys still sing our campaign songs haha," tugon naman ni Rica.