Nakitaan ng patuloy na pagtaas ang positivity rate ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Metro Manila, ayon sa pahayag ng OCTA Research Group nitong Lunes.
Sinabi ng independent research group, tumaas ng halos anim na porsyento ang Covid-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR).
Ipinaliwanag niOCTA fellow Guido David, nasa 5.9 porsyento na ng positivity rate sa NCR, mula sa dating 3.9 porsyento noong Hunyo 18.
Naitala rin ng grupo ang 5.6 porsyento ng positivity rate noong Hunyo 22.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng nahahawaan ng mga nagpositibosa Covid-19.
"WHO recommends testing positivity rate less than 5%," ayon sa Twitter post ni David.
Kahit din aniya sa Rizal ay tumaas sa 11.9 porsyento ang positivity rate nito mula sa dating 6.3 porsyento.
Sa datos ng OCTA, nakitaan din ng paglobo ng positivity rate sa Laguna, Cavite, South Cotabato, Batangas,Benguet, Bulacan, Cagayan, Cebu, Iloilo, at Pampanga.