Tuloy pa rin ang pagpapadala ng mga healthcare workers sa abroad sa gitna ng pag-alis ng mga nurse sa bansa, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni POEA Administrator Bernard Olalia na sa ngayon ay mahigit sa 2,000 pa lamang na healthcare workers ang naipadala sa ibang bansa, maliit na porsyento para sa 7,500 na taunang bilang ng pinapayagang makapag-abroad mula sa kanilang sektor.
Ayon kay Olalia, sa ngayon ay tinatalakay na ng Inter-Agency Task Force kung paano matugunan ang sinasabing kulang na healthcare workers sa mga ospital.
Kamakailan, inihayag ng isang samahan ng mga pribadong ospital sa bansa, na dapat higpitan ng gobyerno ang pagpapadala ng healthcare workers sa ibang bansa kada taon upang maubusan ang Pilipinas.