LUNGSOD NG TABUK, Kalinga – Binunot at sinunog ang mga fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P62 milyon sa three-day eradication operation sa Barangay Buscalan, Butbut Proper, at Loccong sa Tinglayan, Kalinga

May kabuuang 16 na plantasyon ng marijuana — anim sa Buscalan; tatlo sa Butbut Proper, at pito sa Loccong — na may lawak na 25,950-square meters na natamnan ng 310,000 fully grown marijuana plants na may kabuuang Standard Drug Price (SDP) na P62 milyon ang natuklasan.

Isinagawa ang marijuana eradication campaign na tinaguriang “Oplan: Tambur” ng Kalinga Police Provincial Office sa pakikipag-ugnayan ng Philippine National Police-Special Action Force at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Kalinga mula Hunyo 24 hanggang 26.

Pinuri ni Police Col. Peter Tagtag Jr., hepe ng Kalinga police, ang mga operatiba para sa mahusay na trabaho at kanilang pakikipagtulungan sa komunidad na humantong sa matagumpay na pagpuksa ng marijuana sa Tinglayan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?