Kay outgoing Vice President Leni Robredo nagsagawa ng oath-taking si re-electionist Senator Risa Hontiveros ngayong Lunes, Hunyo 27, sa Quezon City Reception House.

Sa pamamagitan ng kaniyang Facebook Live ay nasaksihan ng kaniyang mga tagasuporta ang panunumpa ni Lone Opposition Senator Hontiveros para sa 19th Congress.

"It is with great privilege and deepest gratitude that I pledge, once more, to serve the interests and welfare of the Filipino people. Maraming salamat sa lahat ng hindi naubusan ng tiwala at pag-asa sa kabila ng lahat," ani Se. Risa.

Ayon naman kay outgoing VP Leni, ang senadora na raw ang magiging lider ng opposition dahil siya ang may pinakamataas na posisyon sa mga nahalal.

"Ikaw na ang magiging lider namin," pag-eendorso ni Robredo kay Hontiveros.

Si Hontiveros lamang ang nakapasok sa Magic 12 ng mga nahalal na senador na nasa Team Robredo-Pangilinan, at makakabilang sa panig ng oposisyon.