Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa pangunguna ng Pilipinas Shell ng dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Martes, Hunyo 28.

Sa anunsyo ng Shell, dakong 6:00 ng umaga ng Martes magtataas ito ng ₱1.65 sa presyo ng kada litro ng diesel, ₱0.50 sa presyo ng gasolina at ₱0.10 naman sa presyo ng kerosene.

Sinundan ito agad ng Seaoil at CleanFuel na magpapatupad ng kaparehong dagdag-presyo sa kanilang petrolyo.

Ito ay bunsod pa rin ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado at epekto ng digmaan ng Russia at Ukraine.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Noong Hunyo 21, nagtaas ng ₱3.10 sa presyo ng diesel, ₱1.70 sa kerosene, at ₱0.80 sa gasolina.