Pormal nang nagpaalam na si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso nitong Lunes ng umaga sa mga opisyal at empleyado ng City Hall, kasunod na rin nang pagtatapos na ng kanyang termino bilang alkalde ng lungsod sa Hunyo 30.

Kasabay nito, nanawagan rin ang outgoing mayor na suportahan ang papasok na administrasyon ni Mayor-Elect Honey Lacuna at ni President-elect Bongbong Marcos, Jr.

“Maraming salamat at tinulungan nyo ko na maglingkod nang maayos upang maging mapanatag at maayos ang Maynila.Marami pang hamon.Kung ano ang dedikasyong ibinigay nyo sa akin para sa mga bagay na tinahak natin sa loob ng tatlong taon, buong-kababang loob akong nakikisuyo na gawin nyo din sa pamumuno ni Honey bilang mayor,” ayon kay Domagoso, sa huling flag-raising ceremony na kanyang dinaluhan.

“I believe that Honey also loves each and every one of you kaya pumanatag kayo, kayang-kaya niyang gampanan ang pagiging mayor.I believe in her, the people believe in her and we must help and support our incoming mayor,” aniya pa.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nanawagan din si Domagoso sa lahat ng mga opisyal at empleyado ng City Hall na suportahan angnational government sa kahit na anong paraan upang ito ay magtagumpay.

“Tumulong din kayo sa national government. We must not pray for governmentto fail.‘Wag nating ipanalanging bumagsak dahil tayo din ang mahihrapan,” sabi ng alkalde.

Ipinangako din niya sa mga Manileño na siya ay patuloy pa ring naririyan lamang ngunit bilang isang pribadong mamamayan nga lamang.

“Sa mga itinulong nyo at pagtitiwala, maraming salamat. We must go on and continue.. itaguyod natin ang Maynila at ang mga Batang Maynila,” aniya pa.