Isa sa mga nagsilbing event host ng "Salamat, PRRD" thanksgiving/farewell event at concert nitong Linggo, Hunyo 26 sa Quirino Grandstand sa Luneta, Maynila ay si Mariel Rodriguez-Padilla, ang misis ni Senador Robin Padilla.
Kasama niyang nag-host sina Arnell Ignacio at Bayani Agbayani. Ayon kay Mariel, ang mga nag-perform dito ay personal pick umano ni PRRD.
Sa kaniyang Instagram post ay binigyang-pugay ni Mariel ang outgoing president. Hiling niya na magkaroon ng payapa at malusog na pamumuhay si Duterte.
"Through the years!!! Maraming maraming salamat PRRD!!! My wish for you is you is after your presidency, the next chapter of your life will be peaceful, worry-free, healthy and happy. You deserve it po," ani Mariel. Kalakip nito ang mga litrato nila ni PRRD.
Ang kaniyang mister na si Sen. Robin Padilla ay masugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte gayundin ni Vice President Sara Duterte.