Hiniling ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion nitong Lunes na dapat nang mabigyan ng booster shot ang mga batang 12-17-anyos bago pa mag-balik-eskuwela sa Agosto.

Ito ang reaksyon ni Concepcion matapos ipagpaliban ng gobyerno ang pagtuturok ng unang booster dose para sa mga batang non-immunocompromised matapos magkaroon ng problema sa Health Technology Assessment Council (HTAC).

"We should allow them to get a booster. They will be going to school soon, so we should protect them with vaccinations," ani Concepcion sa isang panayam sa telebisyon.

"We appeal to HTAC to approve it, and also for those aged 50 and above. As it is, many are frustrated because getting vaccinated is the most important step in maintaining immunity," anang opisyal.

Eleksyon

Mag-inang Aguilar, mamumuno sa Las Pinas; Sen. Cynthia Villar, talo sa pagka-kongresista

Nitong Linggo, ipinaliwanag niNational Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson and Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje na naglatag ng kondisyon ang HTAC kung saan binanggit na maaari lamang mabigyan ng booster shot ang 12-17 age group kung nakaabot na sa 40 porsyento ang booster coverage ng mga senior citizen.