Nagpasalamat ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa nasa 25,000 indibidwal na dumalo sa matagumpay na Pride Month celebration sa lungsod kamakailan.

“Umabot sa 25,000 ang dumalo at nagpa-ALAB ng QC Memorial Circle noong June 24, 2022 sa pagdiriwang ng Pride Month. Kabilang sa mga nakisaya ang LGBTQIA+ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, and Asexual) member at allies, opisyal ng pamahalaang lungsod, at ambassadors ng iba-ibang bansa, saad ng Quezon City government, Lunes.

“Mula sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, katuwang ang Pride PH, isang ma-ALAB na pasasalamat sa lahat ng nakiisa at nakisaya sa selebrasyong ito,” dagdag ng lokal na pamahalaan.

Muli ring hinikayat nito ang patuloy na pagpapalaganap ng pagmamahal at positivity sa lahat, lalo na sa LGBTQIA+ community.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Muli namang nagpaalala ang Pride PH, isang advocacy organization para sa komunidad, ukol sa malalim na hugot ng pagdiriwang ng Pride Month.

“PRIDE is not just a day or a month. PRIDE is a daily protest. PRIDE is a daily reminder that we exist... that we have rights to be protected.”