Posibleng makaranas ng flashfloods at landslides ang Visayas at lima pang lugar sa bansa dulot na rin ng low pressure area (LPA) na namataan sa bahagi ng Mindanao nitong Linggo.

Sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bukod sa Visayas, apektado rin ng sama ng panahon ang Calabarzon (Region 4A), Bicol Region, Caraga, Marinduque at Romblon.

Isinisi ito ng PAGASA sa namataang LPA na nasa layong 195 kilometro silangan ng Surigao del Sur nitong Linggo ng madaling araw.

Pinayuhan ng ahensya ang publiko na maging alerto sa inaasahang pag-ulan na posibleng magdulot ng flashfloods at pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Binabantayan pa rin ng PAGASA ang LPA sa posibilidad na mabuo bilang bagyo.