Ipinagdiinan ng presidential candidate nitong nagdaang halalan at outgoing Senator Panfilo Lacson na ang “most admired president” niya ay ang yumaong dating Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III.
"I will say it again - My most admired president," ani Lacson sa kaniyang tweet nitong Linggo ng umaga, Hunyo 26. Kalakip nito ang litrato nila ni PNoy.
Noong Hunyo 24 ay ginunita ang unang death anniversary ng dating pangulo, na yumao sa edad na 61.
Naging miyembro ng gabinete ni PNoy si Lacson mula 2013 hanggang 2015. Matapos ang aftermath ng Super Typhoon Yolanda sa Visayas, itinalaga ni Aquino si lacson bilang Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (PARR) para sa rehabilitation at recovery efforts sa mga nasirang imprastraktura sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.