Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na ang mga botante na gustong muling i-activate ang kanilang rehistrasyon online, para sa December 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections, ay may hanggang Hulyo 19 para gawin ito.
“For online filing of application for reactivation… all applications shall be received by the Office of the Election Officer through its official email address not later than July 19, 2022 (Tuesday) at 5 pm,” saad ng poll body sa Resolution No. 10798.
Para sa iba pang uri ng aplikasyon sa pagpaparehistro katulad ng registration transfer, pagbabago o pagwawasto ng registration records, at pagpapalipat ng registration records mula foreign to local, ay tatakbo mula Hulyo 4 hanggang 23.
Nauna nang inihayagng Comelec na magpapatuloy ang voter's registration hanggang Hulyo 4.
Ayon pa sa poll body, ang mga aplikasyon ay kailangang personal na ihain sa Office of the Election Officer (OEO) ng lungsod o munisipyo kung saan naninirahan ang aplikante, mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon, Lunes hanggang BIyernes.