Iniulat ng OCTA Research Group nitong Linggo, Hunyo 26, na ang National Capital Region (NCR) ang nanguna sa mga listahan ng mga rehiyon at lalawigan na nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng COVID-19.
Sa Twitter post ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, nabatid na noong Hunyo 25, 2022, ang NCR ay nakapagtala ng 353 bagong kaso ng COVID-19.
Sumunod naman ang Cavite sa Region 4A (Calabarzon) na may 62 cases; Iloilo sa Region VI (Western Visayas) na may 41 at Cebu sa Region 7 (Central Visayas) na may 40.
Ang Batangas sa Region 4A ay mayroong 37 new cases, sumunod ang Rizal na sa Region 4A na may 32 naman habang ang Laguna sa Region 4A rin, ay may 25.
Ang Bulacan at Pampanga naman, na kapwa nasa Region 3 (Central Luzon) ay may tig-15 bagong kaso, habang ang Benguet sa Cordillera Administrative Region (CAR) ay may 13.
Nakapagtala naman ang Davao del Sur sa Region 11 (Davao Region) at Nueva Ecija sa Region 3 ng tig-11 habang tig-9 cases naman ang naitala sa Negros Occidental sa Region 6 at Quezon sa Region 4A.
Ang Isabela naman na nasa Region 2 (Cagayan Valley) at Zamboanga del Sur na nasa Region 9 (Zamboanga Region) ay nakapagtala ng tig-8 kaso.
Ang Pangasinan na nasa Region 1 (Ilocos Region) ay may pitong kaso habang ang Misamis Occidental naman at Misamis Oriental, na kapwa nasa Region X (Northern Mindanao) ay kapwa nakapagtala ng tig-anim na bagong kaso ng sakit.
Samantala, sa NCR naman, iniulat rin ni David na ang Quezon City ang nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso ng sakit hanggang noong Hunyo 25, na umabot sa 74.
Sumunod ang Maynila na may 52; Makati City (39); Pasig City (31); Taguig City (30); Mandaluyong (25); Paranaque (23); Las Piñas (21); Muntinlupa (13); Pasay (13); Marikina (9); Caloocan (8); San Juan (6); Pateros (5); Malabon (3); Valenzuela (1) habang nakapagtala naman ng zero new COVID-19 case ang Navotas.
Batay sa COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH), nabatid na noong ang bansa ay nakapagtala ng 777 bagong kaso ng COVID-19 cases, sanhi upang umakyat na ang total number ng active cases sa 6,425.