Wagi si Miss Philippines Fushia Anne Ravena nang masungkit niya ang korona ng Miss International Queen 2022 sa Pattaya, Chonburi sa Thailand.

For the record, pangatlong pagkakataon na nang manalo ang Pilipinas sa nasabing Pageant for transgender women. Nagkataon pang mismong Pride Month ang pagkakapanalo ng Pilipinas. Kaya naman sa Pinas tuwang tuwa ang mga LGBTQIA+ community sa natamong tagumpay ng kababayan. 

Matatandaang noong 2012 ay nanalo na si Kevin Balot at si Trixie Maristela naman noong 2015 na pawang pambato ng Pilipinas.

Samantala, naging first runner-up naman ng Miss International Queen 2022 ay ang Miss Colombia Bea Marquez. Second runner-up naman ang Miss France Aela Chanel.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang lalong nakapagpapansin kay Fushia sa mga hurado bukod sa ganda at tindig ay ang sagot niya sa final round ng question and answer. Ito ang naging tanong: “If you are the winner of Miss International Queen 2022, how would you start our advocacy and how would you teach them the importance of equality?”

Ang naging sagot naman ni Ravena: “I will start it by influencing other people to spread love, peace, and unity to have world equality because after all, we all live under one sky and we breathe the same air and we all live from differences where love is universal.”

Bagamat nadulas at muntikan nang sumalampak si Ravena sa pagrampa sa kanyang evening gown, na-i-balance naman niya ang sarili at matagumpay naman niya itong binawi sa kanyang poise at awra.

Nagbigay naman ng buong pasasalamat si Ravena sa mga taong nakasuporta para sa kanya sa pagkakahirang niya bilang MIQ 2022. Sey niya, "This is dedicated to my Mom, thank you so much for guiding me and to my friends thank you so much for supporting me. To Mother Michelle Montecarlo, thank you so much. Hardworks really pays off. Kap Kun Ka."

Congrats Miss Philippines, Fushia Anne Ravena for winning Miss International Queen 2022!