Haharapin pa rin ng Gilas Pilipinas ang powerhouse squad na New Zealand at India sa 3rd window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Hunyo 30 at Hulyo 3, kahit 11 lang sila sa koponan.

Sa lineup na inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), hindi makalalaro si naturalized Filipino center Ange Kouame dahil sa meniscal sprain at anterior cruciate ligament (ACL) injury.

Ang koponan ay pangungunahan na nina veteran point guard Kiefer Ravena at Dwight Ramos na naka-base sa Japan.

Sa Hunyo 30, sasagupain ng Gilas Pilipinas ang New Zealand sa EventFinda Stadium sa Auckland at kalalababin naman ng koponan ang India sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa Hulyo 3.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hawak ng Philippine team ang kartadang 1-1 sa Group A matapos matalo ang India at matalo sa New Zealand noong Pebrero.

Magsisilbing coach ng Gilas si Nenad Vučinić dahil bumalik na si Chot Reyes sa pagiging head coach ng TNT Tropang GIGA sa PBA Philippine Cup.

Kabilang sa lineup ng koponan sina Kiefer Ravena, RJ Abarrientos, SJ Belangel, Rhenz Abando, Geo Chiu, Dave Ildefonso, Francis Lopez, William Navarro, Kevin Quiambao, Dwight Ramos, at Carl Tamayo.