Simula ngayong Linggo, Hunyo 26, isasara na ang ilang kalsada sa bisinidad ng National Museum sa Maynila bilang paghahanda sainagurasyonni President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa Huwebes, Hunyo 30.

Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabilang sa mga isasara angPadre Burgos Avenue na nasa harapan ng National Museum,Finance Road, Maria Orosa Street mula TM Kalaw hanggang P. Burgos, at General Luna Street mula P. Burgos hanggang Muralla Street.

Sa Hunyo 30, isasara na rin simula 4:00 ng madaling araw ang Ayala Boulevard at Victoria Street mula Taft Avenue patungong Muralla Street.

Sarado rin sa trapiko ang Roxas Boulevard mula Buendia hanggang P. Burgos.

National

DOH, nilinaw na hindi kumpirmado kumakalat na umano’y ‘international health concern’

Isasara rin sa Hunyo 29 hanggang gabi ng Hunyo 30 ang Mendiola Street na malapit saMalacañangPalace.

Kabilang din sa isasara ang Legarda Street sa kanto ng Mendiola, mula San Rafael hanggang Figueras Street, atJalandoni Street sa may Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.